Deployment ng karagdagang 500 Filipino healthcare workers, posible na ngayong taon – DOLE

Posibleng payagan nang makapagtrabaho sa abroad ngayong taon ang nasa 500 Filipino healthcare workers.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, mayroon na silang inihandang panukala para makapag-deploy ng 500 health workers kahit naabot na ang deployment cap nito.

Sa katunayan, kahapon ay nakausap ni Bello ang Technical Working Group kung saan sinabi ng mga ito na bagama’t naabot na ang limitasyon, posibleng dagdagan pa ng 500 nurses ang ipapadala hanggang sa katapusan ng buwan.


Nasa 5,000 hanggang 6,500 lamang dapat ang annual cap sa deployment ng mga health workers sa ibang bansa.

Una na ring nakapagdala ang Pilipinas sa Brunei ng 200 health workers na tiyak namang natatrato ng tama.

Facebook Comments