Deployment ng mga ‘Estero Rangers’ sa mga barangay, pinaghahandaan na ng DENR-NCR

Halos 600 na ‘Estero Rangers’ ang ide-deploy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga waterways sa mga barangay sa pagpasok ng ikatlong quarter ng taon.

Ang kabuuang bilang ay mula sa 1,400 Estero Rangers na target na ipakalat ng DENR alinsunod sa on-going implementation ng Manila Bay Rehabilitation Program.

Sila ay mga community-based workers na naatasang tumulong sa regional office para gabayan ang mga residente lalo na ang mga nakatira sa gilid ng daluyan ng tubig o waterways.


Partikular na itinuturo sa mga tao ang tamang waste disposal at pagsunod sa environmental guidelines.

Katuwang din ang mga rangers sa pagmonitor sa ipinatutupad na Solid Management Plans ng mga barangay at pag-maintain sa kalinisan ng ilog at mga esteros.

Bukas, sasailalim sa orientation ang mga Estero Rangers ng DENR-National Capital Region (DENR-NCR) sa pamamagitan ng Zoom video communication app.

Ang aktibidad ay pangungunahan ni DENR-NCR Regional Executive Director Jacqueline Caancan at EMB-NCR Regional Director Atty. Domingo Clemente Jr.

Facebook Comments