Foot traffic scheme sa Pasig Mega Market, inaayos upang masunod ang social distancing

42

Inihayag ni Pasig Mayor Vico Sotto na inaayos na ang foot traffic scheme sa Pasig Mega Market upang mapanatili ang social distancing sa naturang lugar.


Maliban dito, hihigpitan na rin ang pagpapatupad ng minimum health safety standards para sa mga market vendor nito.

Kaya naman panawagan ng alkalde, kung may makitang hindi naka-face mask, i-report ito sa market admin.

Ang nasabing hakbang aniya ay ginawa matapos ang patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) ng lungsod dahilan para mapuno mga public stocks private hospital ng lungsod.

Kaya naman anya na sumunod sa mga health protocols na ipinatutupad ng lokal at national na pamahalaan tulad ng social distancing, pagsuot ng mask, at iba pang health safety standards at kung kaya aniya ay stay at home muna upang maging ligtas sa COVID-19.

Facebook Comments