Hindi ihihinto ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapadala ng OFWs sa Hong Kong sa gitna na rin ng malawakang protesta roon.
Ayon kay Bello – wala pa silang natatanggap na rekomenasyon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na pansamantalang ipatupad ang deployment ban.
Pero inutusan na ni Bello ang mga labor official ng Pilipinas sa Hong Kong na magsumite ng ulat tungkol sa sitwasyon.
Kasabay nito, pinayuhan ni Bello ang mga OFW sa Hong Kong na manatili na lamang sa kanilang pinapasukan at iwasang magtungo sa mga lugar na may nagaganap na protesta.
Pinapaiwas din niya ang mga Pinoy na nasa Hong Kong na iwasan na pagsuot ng mga damit na kulay itim o puti upang hindi sila mapagkamalang kasama sa protesta.
Facebook Comments