Hindi na magpapatupad ng deployment ban ang pamahalaan sa bansang Guinea.
Ito ay sa kabila ng umiiral na political tension sa nasabing bansa.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), naglabas na sila ng resolusyon kaugnay dito na ibinatay sa naging konsultasyon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Dahil sa desisyon, magpapatuloy na ang pagproseso at deployment ng lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) na tutungong Guinea.
Mahigpit namang paalalahanan ang mga Pinoy na magdoble-ingat dahil nananatili pa rin ang political tension sa naturang bansa.
Matatandaang kabilang ang Guinea sa inilagay sa Alert Level 1 (Precautionary Phase) dahil sa political tension dito.
Facebook Comments