Deployment ng QCPD ng mga pulis para sa araw ng paggawa , nakalatagag na

Bagamat nasa Maynila ang sentro ng  pagkilos ng mga manggagawa para sa paggunita ng araw ng paggawa, nagdeployang Quezon City Police District ng mga pulis  sa mga lugar sa Quezon City na posibleng gamiting assembly points ng mga raliyista.

Ayon sa Quezon City Police District partikular na nakalatag ang puwersa ng pulisya ang lugar ng Mabuhay Rotonda  at sa bahagi ng Quezon Avenue at iba pang lugar na posibleng may presensiya ng militanteng grupo.

Hindi rin isinasantabi ng QCPD ang deployment at pagbabantay ng pulisya sa mga vital installations sa lungsod kabilang ang MRT lines, mga bangko terminal at malls  sa lungsod.


Facebook Comments