Deportation case sa Chinese na nagsaboy ng taho sa isang pulis, diringgin na ng BI

Manila, Philippines – Ipina-prayoridad ngayon ng Bureau of Immigration ang kaso laban kay Jiale Zhang, ang Chinese National na nagsaboy ng taho sa isang pulis na nagbabantay sa MRT – 3 Boni station.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval – nais nilang mapaalis agad sa bansa ang babaeng Chinese.

Tiniyak ng ahensya na daraan sa tamang proseso ang deportation case laban kay Zhang kung saan nakatakda na raw itong dinggin ng Board of Commissioners.


Nauna nang nakitaan ng kanilang legal team ng probable cause ang ginawang pambabastos ni Zhang para samapahan siya ng deportation case.

Malakas din ang ebidensya laban sa dayuhan lalo at nakunan ng larawan at sapul din sa CCTV ang pangyayari.

Nakakulong ngayon sa detention facility ng BI sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City si Zhang.

Inakusahan naman ng ‘abduction’ ng kampo ng Chinese national ang BI agents dahil sa sapilitan umanong pag-aresto sa kanya.

Ayon sa DOJ, iimbestigahan nila ang nasabing insidente.

Facebook Comments