Panibagong oil price hike, asahan na sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Sasalubungin na naman ng panibagong oil price hike ang mga motorista sa susunod na linggo.

Maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 ang inaasahang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel habang P0.40 hanggang P0.50 sa gasolina.

Base ito sa weekend fuel price forecast ng Uniol Petroleum Philippines.


Kadalasan namang ipinatutupad ang taas-presyo sa araw ng Martes.

Sa record ng Department of Energy, ang presyo ng diesel ay naglalaro sa pagitan ng P39.74 hanggang P44.84 bawat litro samantalang ang gasolina naman ay mula P45.95 hanggang P56.45 kada litro.

Facebook Comments