Pinatitiyak ni Senator Jinggoy Estrada sa Bureau of Immigration (BI) na mahigit 48,000 na mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers na kanselado ang visa.
Iginiit ni Estrada na wala nang dahilan pa para manatili ang mga ito sa bansa.
Binigyang-diin ng senador na wala namang nakukuhang economic gains ang gobyerno sa pagpapatuloy ng operasyon ng mga hindi lisensyadong POGOs at kanilang mga manggagawa.
Sinabi ni Estrada na ang aksyon ng BI laban sa illegal POGO workers ay tumutugon din sa kaniyang panawagan na magsagawa ng crackdown laban sa illegal o unlicensed offshore gaming operators sa bansa.
Hindi rin aniya patas sa 34 na Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) approved POGOs at sa kanilang mga empleyado na nagbabayad ng buwis kung hahayaang manatili sa bansa ang mga illegal POGOs.
Dagdag pa ni Estrada na dapat sa loob ng 59 na araw ay maipa-deport na ang mga illegal aliens at hindi na dapat hayaan ang anumang ilegal na transaksyon para magtagal pa ang mga ito sa bansa.