PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga namatay sa Indonesia stampede at pag-atake sa isang daycare center sa Thailand

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga naiwang pamilya ng mga namatay sa nangyaring stampede sa Indonesia at pag-atake sa isang daycare center sa Thailand.

Sa Twitter account ng pangulo, sinabi nitong nagdarasal ang mga Pilipino para sa mabilis na paggaling ng mga survivors at paghilom naman sa puso ng mga nawalan ng mga mahal sa buhay.

Sa Indonesia, 125 katao ang nasawi habang 320 ang sugatan sa nangyaring stampede sa football stadium matapos gumamit ng tear gas ang mga pulis nang magkagulo ang mga tao sa loob ng football stadium.


Habang sa isang daycare center sa Thailand, nasawi ang 36 na katao na karamihan ay mga bata kasama ang suspek na isang dating pulis.

Facebook Comments