Manila, Philippines – Pinagkokomento ng office of the secretary ng DOJ ang Bureau of Immigration (BI) sa petition for review ni Australian missionary sister Patricia Fox kaugnay ng deportation order laban sa kanya.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pinasusumite rin nila ang BI ng kompletong record ni Sister Fox.
Una nang nagdesisyun ang BI na ipa-deport si Sister Fox kasunod ng paglabag nito sa probisyon ng kanyang missionary visa dahil sa pagsali sa political rallies sa bansa.
Bukod sa petition for review sa deportation order na nakabinbin sa DOJ, nakatakda ring desisyunan ng Bureau of Immigration (BI) ang apela ni sister Fox sa binasurang extension ng kanyang missionary visa.
Facebook Comments