DEPORTATION | Sister Fox, hindi pa ligtas – Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hindi parin off the hook o ligtas ang Australian missionary na si Sister Patricia Fox sa deportation process sa kanya.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, bagamat sinabi ng Department of Justice na walang kapangyarihan ang Bureau of Immigration na magpatupad ng Forfeiture ng Visa ni Sister Fox ay hindi parin naman tumitigil ang deportation case laban dito.

Paliwanag ni Roque, iginagalang nila ang desisyon ng DOJ pero dapat ding maintindihan na bukod ito sa deportation case ni Fox na kinilala din naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra.


Matatandaan na sinabi ni Guevarra na dapat ay cancelation at hindi forfeiture ang ginamit na termino ng BI kaya nabasura ang kaso sa Madre pero inatasan din naman nito ang BI na ipagpatuloy ang pagdinig sa deportation case ni Fox.

Facebook Comments