HINDI APEKTADO | Rehabilitasyon sa Marawi, hindi maaapektuhan ng operasyon laban kay Abu Dar

Marawi – Hindi maapektuhan ang Marawi Rehabiliasyon sa operasyon ngayon ng militar kontra sa grupo ni Abu Dar.

Ito ayon kay AFP Spokesman Col Edgard Arevalo, ay dahil nasa Tuburan, Lanao del Sur ngayon ang sentro ng operasyon ng militar laban sa natitirang taga suporta ng teroristang grupo na Maute na pinamumunuan ni Abu Dar.

Dagdag pa ni Arevalo, may ibang grupo ng militar ang tumutugis sa grupo ng mga taga suporta ng Maute, habang iba rin ang grupo na naka-focus sa Marawi City.


Una nang nabanggit ng Joint Task Force Ranao na target nilang malinis ang Marawi City sa anumang pampasabog na hindi sumabog noong Marawi siege para maumpisahan na ang rehabilitasyon ng lungsod.

Facebook Comments