Depression, seryosong sakit – DOH

Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Health (DOH) na seryosong sakit ang depression.
Ayon kay Health Sec. Paulyn Ubial, hindi dapat ipagsawalang-bahala ang mga nakakaranas nito.
Sinabi ng kalihim na mayroong mga maagang senyales ang pagkakaroon ng depresyon.
Kabilang na rito ang kawalan ng gana sa pagkain, hindi makatulog, laging gustong mapag-isa, iritable at nag-iiba ang pag-uugali.
Pero ipinunto ni Ubial na hindi maaring matukoy ang dahilan ng depression dahil sa multi-factorial nito tulad ng stress, bullying at family history.
Paalala ni Ubial, kapag naramdaman ang kahit kaunting depresyon ay huwag nang antayin na lumala pa ito.

Facebook Comments