UPDATE: Apat, patay sa pagsabog ng tangke ng tubig sa Bulacan

Bulacan – Nanatili sa apat ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa pagsabog ng isang tangke ng tubig sa isang subdivision sa Bgy. Muzon, San Jose Del Monte City sa Bulacan.
Ayon kay Supt. Fitz Macariola, hepe ng San Jose Del Monte City PNP, tila mala tsunaming rumagasa ang tubig makaraang mawasak ang tangke na umabot sa mga kabahayan, establisyemento maging sa mismong himpilan ng pulisya sa lugar.
Pinakabago sa mga nasawi ang isang taong gulang na si Niña Ape habang una nang kinilala ang iba pa na sina Jaina Espina, isang taong gulang, Eleine Chamzon , 22 anyos at ang dating Police Aide na si Jimmy Garcia, 50 taong gulang.
Samantala, napako naman sa 42 ang bilang ng mga naitalang sugatan na agad nilapatan ng agarang lunas at kasalukuyan nang nagpapagaling.

Facebook Comments