Paiigtingin pa ngayon ng Department of Agriculture ang pakikipag-ugnayan sa Bureau of Customs upang huwag na makalusot ang mga smuggled na gulay.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Agriculture Undersecretary Noel Reyes na una nang ipinag-utos ni Secretary William Dar ang pagkumpiska sa mga ganitong produkto sa kanilang pag-iikot sa mga pamilihan.
Kasunod nito, nanawagan si Reyes sa mga nagtitinda at mamimili na huwag tangkilikin ang smuggled lalo na’t ang mga lokal na magsasaka ang pinakaapektado dahil sa pagkalugi.
Bukod sa carrots, ibinabagsak din sa iba’t ibang pamilihan sa bansa ang mga smuggled na repolyo at luya na hindi tiyak ang kaligtasan dahil sa mga posibleng kemikal ng pesticides na nakalagay.
Facebook Comments