Dept. of Agriculture, bibili ng halos 14 na Bilyong Pisong halaga ng Palay sa mga magsasaka

Bibili ang Dept. of Agriculture (DA) ng halos 14 Bilyong Pisong halaga ng Palay sa mga lokal na magsasaka ngayong taon.

Ang mga palay ay bibilhin ng gobyerno sa halagang 19 Pesos kada kilo.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, inatasan na niya si NFA Administrator Judy Dansal na gamitin ang Annual Procurement Fund para tulungan ang mga magsasaka.


Nakikita ng kalihim na magiging masagana ang Palay-Buying at Rice Trading Acitivites ngayong taon lalo na at mamamahagi ang DSWD ng 600 Pesos na halaga ng NFA Rice kada buwan sa mga benepisyaryo nito ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).

Inaasahan din na nasa 30 major rice producing provinces tulad ng Isabela at Nueva Ecija ay bibili ng Palay sa mga magsasaka.

Facebook Comments