Mayroong alok ang Department of Agriculture (DA) sa mga residenteng apektado ng pagputok ng Bulkang Taal para maisalba ang kanilang mga alagang hayop na pangkabuhayan.
Ayon kay Agriculture spokesperson Noel Reyes – bukas ang kanilang livestock care operations emergency shelter sa Lipa, Batangas.
Libre aniya ang mga gamot, pagkain at mismong pag-aalaga.
Sinabi ni Reyes – na kailangang isalba ang kabuhayan ng mga residente pati na rin ang populasyon ng mga hayop.
Hinihikayat nila ang mga residente na sa halip na ibenta ang mga alagang hayop ay isangla na lamang ito sa DA.
Kalahati lamang ng market value ito kukunin ng ahensya pero sila na ang bahalang mag-aalaga ng libre.
Kapag nakabangon at nakabawi ang mga residente ay pwede na nilang tubusin ang kanilang mga alagang hayop.
Halos 100 hayop ang nasa kanilang pangangalaga.