Dept. of Agriculture umapela sa mga lokal na opisyal ng Cebu at Bohol na huwag kontrolin ang paglalabas-masok ng mga pork products

Umapela ang Department of Agriculture (DA) sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Cebu at Bohol na huwag pigilan ang paglalabas-masok ng mga pork product sa kanilang lugar.

Kasunod ito ng ulat na kinokontrol umano ng Cebu at Bohol ang mga inilababas nitong pork products para makaiwas sa African Swine Fever (ASF).

Pangamba ni DA Secretary William Dar, maaari itong magresulta ng kapos na suplay ng pagkain o mga produktong baboy sa ibang lugar ng bansa.


Aniya, kung pipigilan ng lokal na pamahalaan ng Cebu at Bohol ang paglalabas ng kanilang mga pork products, maaari rin itong gayahin ng ibang probinsya.

Tiniyak naman ng kalihim na ginagawa nila ang lahat ng paraan para mabigyang proteksyon ang ibang rehiyon ng bansa kontra ASF.

Facebook Comments