DOH Asec. Lyndon Lee Suy, pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 55 ang si Department of Health Assistant Secretary Lyndon Lee Suy.

Ito ang kinumpirma ng kanyang Executive Assistant na si Nelson Mendoza.

Kahapon ng umaga nang pumanaw ang opisyal dahil sa Cardiac Arrest.


Wala pang inilalabas na detalye ang pamilya ni Suy hinggil sa burol at libing nito.

Si Suy ay kabilang sa mga idinadawit sa maanomalyang pagbili ng Dengvaxia Vaccines noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Facebook Comments