Dept. of Information and Communications, target na mabigyan ng mabilis, mura at epektibong internet access ang buong bansa bago magtapos ang Duterte administration

Manila, Philippines – Target ng Dept. of Information and Communications na mabigyan ng mabilis, mura at epektibong internet access ang buong bansa bago magtapos ang Duterte administration.

Ayon kay DICT Undersecretary Eliseo Rio, sa ngayon ay 60 percent lang ng bansa ang may access sa internet, maliban pa sa pagiging kulelat ng pilipinas pagdating sa bilis at pagiging episyente ng internet connection.

Nailatag na anya nila ang national broadband plan kung saan gagastos ng mahigit sa pitumpu’t pitong bilyong piso ang pamahalaan para magtayo ng imprastraktura sa telekomunikasyon ang pamahalaan.


Ito anya ang dahilan kaya’t sa ilalim ng national broadband plan, papasok na bilang player sa larangan ng telekomunikasyon ang pamahalaan.

Facebook Comments