Derek Ramsay at Andrea Torres, hiwalay na raw?

384

How true ang chikang break na raw ang celebrity couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres?

Ito ay matapos na mapansin ng kanilang mga fans na hindi na connected sa social media ang isa’t isa.


Nabatid na nag-unfollow sina Derek at Andrea sa isa’t isa sa kanilang Instagram.

Mapapansin din na wala nang bakas si Derek sa Instagram ni Andrea, bagay na nagpalakas sa hinala ng mga fans na hiwalay na nga silang dalawa.

Sa ngayon ay wala pa namang komento ang dalawa sa isyu.

September 2019 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon matapos na magkasama sa isang teleserye.




Huling nakita ng mga fans na magkasama ang dalawa noong Setyembre sa isang interview kung saan sinabi nila na handa na silang magpakasal.

Facebook Comments