Mga iba pang nanalo sa Wi-Fi Mo Sagot ng DZXL Radyo Trabaho, ihahatid ng Team LBMS ngayong araw!

28

Muling lalabas ngayong araw ang mga anchors ng Laughter is the Best Magazine Show Program ng DZXL 558 Radyo Trabaho.

Ito ay para personal na ihatid nina Kuya Glenny, Dyosa Yan at Vlogger Ems ang premyo ng mga nanalo sa ating 6th, 7th, 8th at 9th draw winners para Wi-Fi Mo Sagot ng Radyo Trabaho Promo.


Kabilang sa mga pupuntahan nila ngayong araw ay sina Arnel Dino ng San Francisco Del Monte sa Quezon City; Renselle Manlangit ng Addition Hills, Mandaluyong City; Ronnie Mendoza at Gina Angustia ng Navotas City at Juliana Palmario ng Ugong, Valenzuela City.

Tuloy-tuloy pa rin ang pamimigay natin ng libreng Prepaid Home Wi-Fi dahil extended ang Wi-Fi Mo Sagot ng Radyo Trabaho Promo.

Kaya naman, manatili lamang nakatutok sa mga programa ng DZXL 558 para sa tyansang manalo.

Maaaring tumawag sa DZXL Hotline 8882-2376 kapag narinig na ang jingle ng Radyo Trabaho o mag-comment sa Facebook ng RMN DZXL 558 Manila at sundin lamang ang mga mechanics.




Facebook Comments