Derek Ramsay, hindi na apektado sa mga pambabatikos ng netizens!

66

“Words will never hurt me.”

Ito ang matigas na pahayag ng aktor na si Derek Ramsay kasunod ng mga natatanggap na batikos mula sa mga netizen matapos ang paghihiwalay nila ng girlfriend na si Andrea Torres.


Kasabay ng pag-post ng isang larawan ng kanyang mga magulang, sinabi ni Derek na “sticks and stones can break my bones, but words will never hurt me.”

Nagpasalamat din ang British-Filipino actor sa unconditional love and support mula sa kanyang mom and dad.

Ito ang unang pagkakataon na nagpahayag ng kanyang nararamdaman si Derek, mula noong nag-break sila ni Andrea.

Bagama’t hindi idinetalye ni Derek ang dahilan ng kanilang break-up, nanindigan ito na walang involved na third party sa kanilang hiwalayan.




Facebook Comments