Derek Ramsay, itinangging buntis ang girlfriend nitong si Andrea Torres

153

Tinawanan lang ng magkasintahang Derek Ramsay at Andrea Torres ang balitang nagdadalantao na raw ang aktres.

Say ni Derek, hindi niya alam kung saan nanggaling ang balitang ito.


Inamin naman ni Derek na napag-uusapan na nila ng aktres ang pagpapakasal.

Gayunman, hindi naman daw sila nagmamadali lalo’t batid niya na iba ang aktres kaysa sa mga nauna niyang nakarelasyon.

September 25, 2019 nang aminin nina Derek at Andrea ang tungkol sa kanilang relasyon matapos magsama sa isang Kapuso primetime series.

Facebook Comments