Lalaki na Nanggahasa Umano sa 2 Anak, Arestado sa BuyBust

50

Cauayan City, Isabela- Tuluyang bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang lalaki sa ikinasang drug buybust operation ng PNP San Mariano sa Brgy Sta. Filomena ng naturang bayan.


Sa personal na pagsama ng 98.5 iFM Cauayan newsteam sa operasyon ng PNP San Mariano ay nadakip ang suspek na kinilalang si Rodrigo Musngi, 45 taong gulang, byudo, driver at residente ng Brgy. Zone 3, San Mariano, Isabela.

Nabentahan ng suspek ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu ang isang police poseur buyer sa halagang Php500.00.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang limang daang piso na ginamit bilang buybust money.

Nasa pangangalaga na ng PNP San Mariano ang suspek at inihahanda na ng pulisya ang isasampang kaso laban sa kanya.

Samantala, nabatid na ginahasa rin ng nasabing suspek ang kanyang dalawang sariling anak kung saan ay nabuntis nito ang 11 taong gulang na anak.

Facebook Comments