Derek Ramsay, nagbabala sa taong ginagamit ang kanyang identity para maghanap ng girls for hire

59

Nagbabala ang aktor na si Derek Ramsay tungkol sa isang taong ginagamit ang kanyang identity para kumuha at bayaran ang serbisyo ng mga babae para sa party.


Sa Instagram account ng aktor, ipinost niya ang screenshot ng text message ng taong nagpapanggap na siya kung saan humihingi ito ng referral para sa girls for hire sa mga stag party kapalit ng P150,000.

 

Sa kabila nito, pinasalamatan ng aktor ang fans na nagpaabot sa kaniya ng impormasyon.

Facebook Comments