Derek Ramsay, nagbabala tungkol sa gumagamit ng kanyang pangalan para magyaya ng babae sa party

213
IG/Derek Ramsay

Nagbabala ang aktor na si Derek Ramsay sa publiko tungkol sa isang scammer na gumagamit ng pangalan niya para mag-anyaya ng mga babae sa isang pribadong party.

Sa Instagram post kahapon, Oktubre 22, nilinaw ni Ramsay na wala siyang kinalaman sa taong nagpapanggap na tumutulong sa kanya sa pagpaplano ng “stag party.”


Ibinahagi ng aktor ang screenshot ng Facebook post ng vlogger na si Jamila Joyce Castillo noong Setyembre 9 tungkol sa naturang scammer.

Sa post ni Castillo, sinabi niyang may hindi kilalang tao na gumamit ng kanyang pangalan at nagpadala ng mga text messages sa kanyang mga kaibigan tungkol sa party para kay Ramsay.

Ayon sa impostor, nangangailangan ng tatlong babae sa nasabing stag party na babayaran ng P150,000 kung makakasama.

“Sabi ni Derek parang gf nila that night. Eat, drink, lambingin ganon daw,” sabi ng scammer sa isa sa mga usapan.

Pareho namang nilinaw ni Castillo at Ramsay na wala silang kinalaman sa scammer at nanawagan sa publiko na ibahagi ang ano mang impormasyong mayroon sila tungkol dito.

Facebook Comments

From Advertisers