Derek Ramsay, umalma sa akusasyon ng isang netizen na pagmumura umano sa mga kasambahay

234
via Facebook

Itinanggi ng aktor na si Derek Ramsay ang akusasyon ng isang netizen na sinisigawan at minumura niya umano ang mga kasambahay.

Nagsimula ang serye ng sagutan nang mag-post ang aktor sa Instagram ng linya niya mula sa pelikulang One More Chance noong 2006 na:
“Don’t ever think it was a mistake to find yourself—that you chose to love yourself a little bit more.”


 

View this post on Instagram

 

Wow talk about a blast from the past! #onemorechance #movielines @beaalonzo #jlc

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07) on

Sa post, isang netizen na may user ID na @whatwomenwant000 ang nagkomento ng:
“LAOS ka na kasi derek. Tanggapin mo nalang kasi wala ka na mapupuntahan kundi sa GMA7. mic drop”

Tawa ang unang isinagot ng aktor na sinundan niya naman ng komentong “see ya around the village dear” na tila pahiwatig na kakilala niya ang netizen.

Isang netizen ang sumali sa thread at pinaalalahanan ang aktor na “love yourself first,so you know what you deserve..:)”

Nagpatuloy at sumagot dito ang basher at sinabing nasobrahan na sa pagmamahal sa sarili si Ramsay, kaya wala na raw itong maibibigay sa iba.

Dagdag ni @whatwomenwant000, huwag daw magpaloko sa itsura at “pagbabait-baitan” ng aktor.

Paratang ng basher, naririnig ng mga kapitbahay ang paninigaw at pagmumura ng aktor sa mga kasambahay nito.

Itinanggi naman ito ng aktor at binalaan ang netizen na mag-ingat sa mga sinasabi nito.

Binatikos din nito ang pagpopost ng netizen ng kanyang home address.

Pinakiusapan naman ng aktor na ang mga nagtanggol sa kanya na huwag bumaba sa lebel ng basher.

Sa huli, niyaya na lamang ni Ramsay ang basher na tinawag niya pang “neighbor” na dumaan sa kanila.

Kasalukuyang gumagawa ng teleserye si Ramsay sa GMA-7 Network kasama si Andrea Torres, ang The Better Woman, na ipalalabas sa susunod na buwan, July.

Facebook Comments

From Advertisers