You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Pangingisda ng Chinese sa ating EEZ, labag sa saligang batas

Iginiit ni Senator Kiko Pangilinan na ang Recto Bank ay bahagi ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas.

 

Diin ni Pangilinan, dahil dito ay labag sa ating Saligang Batas na payagang mangisda rito ang mga taga China o sinumang dayuhan.

 

Tinukoy pa ni Pangilinan na nakasaad sa huling talata ng Article XII, Section 2 ng Saligang Batas na pwedeng pumasok sa kasunduan ang pangulo ukol sa mga yamang-mineral, pero hindi ukol sa mga yamang-dagat.

 

Paliwanag ni Pangilinan, sagradong tungkulin ng pamahalaang Pilipino ang ipagtanggol ang ating yamang dagat na nasa EEZ.

 

Ayon kay Pangilinan, inilalaan lang ang paggamit at pagtamasa nito eksklusibo o tanging para sa mga mamamayang Pilipino lamang.

 

 

 

 

Facebook Comments