Desisyon kaugnay sa community quarantine status sa Metro Manila, ipinaubaya sa Presidente

Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager at Spokesperson ng Metro Manila Council (MMC) Jojo Garcia na nagkaroon ng pagpupulong ang mga mayor ng Metro Manila kagabi.

Sa ginawang virtual presscon nito ngayong umaga, nagkasundo ang mga mayor ng Metro Manila na hintayin na lang ang announcement ng Presidente kung ano ang magiging status ng community quarantine sa buong Metro Manila.

Pero aniya, ang ilan sa pinag-usapan ay kailangan dalhin sa mga quarantine facility ang sinumang magpopositive sa COVID-19.


Inirerekomenda rin ng MMC sa Inter-Agency Task Force (IATF), dagdagan ang papayagang makapasok sa trabaho o opisina o nagtatrabaho mula sa 30%, nais ng MMC na gawin na itong 50%.

Kaya naman, inirerekomenda ng MMC na dagdagan ang transportation sa Metro Manila.

Mayroon ding mga lungsod sa Metro Manila na papayagan ang dine kahit sa oras ng curfew hour tulad ng Manila, Quezon City, Matikina, Caloocan, at Valenzuela.

Aniya, bumababa ang bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, pero hindi dapat mag relax upang magtuloy-tuloy ang magandang status ng Metro Manila kaugnay sa COVID-19.

Facebook Comments