Desisyon kung sino ang uunahing bakunahan sa A4 priority group, ipinauubaya na ng DOH sa LGUs

Inihayag ng Department of Health (DOH) na desisyon na ng mga Local Government Units (LGUs) kung sino sa mga economic at state frontliners ang unang babakunahan kasunod ng nakatakdang pagbabakuna sa A4 o pang-apat na priority group sa susunod na buwan.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, kapangyarihan na ng mga LGUs na tukuyin kung sino ang pinaka-apektado at mataas ang tiyansang mahawa sa COVID-19.

Tinatayang nasa 22.4 milyong essential workers naman ang kabilang sa A4 category kung saan inaasahang isasabay rin dito ang 8.5 milyong Pilipino na kabilang naman sa A5 o ikalimang priority group.


Sa ngayon, as of May 24, umabot na sa 8.279 milyong COVID-19 shots ang natanggap ng bansa kung saan mahigit 4.4 milyong doses na ang naipamahagi.

Facebook Comments