Ipapaubaya na ng Malakanyang sa kongreso ang pagpapasya kung susuportahan o hindi ang mungkahing isang taong pagpapatigil sa 12-percent Value-Added Tax (VAT) sa mga produktong petrolyo sa bansa.
Ang mungkahi ay inihain ni Senator Imee Marcos kung saan layon nito na mapigilan ang posibleng pagtataas pa ng presyo ng langis sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, katungkulan na ito ng Kongreso at rerespetuhin ito ng Malakanyang.
Facebook Comments