Desisyon ng Arbitral Tribunal sa West Philippine Sea, dapat na ipatupad na ng Pamahalaan

Iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman na dapat ipatupad na ng pamahalaan ang desisyon ng arbitral tribunal sa West Philippine Sea pabor sa Pilipinas.

 

Ito ay matapos aminin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na may kontrol na ang China sa West Philippine Sea.

 

Ayon kay Lagman, mabuti at tinanggap na ng gobyerno ang katotohanan na matagal nang napansin at napatunayan na hindi na kinilala ng China ang teritoryo ng bansa.


 

Sa kabila ng pagkapanalo ng bansa sa arbitral tribunal ay nanatiling China ang naghahari sa pinag-aagawang teritoryo.

 

Kailangan ayon sa mambabatas na ipatupad ang desisisyon paborable sa bansa at igiit sa China ang pagrespeto sa naging pasya ng arbitral tribunal.

Facebook Comments