Desisyon ng COA laban sa kontratista sa ginanap na 2005 Inter-Parliamentary Summit, binaliktad ng SC

Manila, Philippines – Binaliktad ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng Commission on Audit (COA) laban sa paghahabol ng bayad ng kontratistang kinuha ng gobyerno para magsagawa ng pagsasaayos at pagpapaganda ng mga pasilidad.

Kaugnay ito ng ginanap na Inter-Parliamentary Summit sa bansa noong taong 2005.

Pinaboran ng hukuman ang petisyon ni Mario Geronimo, may-ari ng Kabukiran Garden upang mabayaran sa mga natapos na proyekto.


Kabilang sa mga natukoy na proyekto na kinomisyon ng DPWH sa kumpanya ni Geronimo noong 2005 ay ang landscaping sa Ayala Boulevard Padre Burgos Steet, Roxas Boulevard, Osmeña Highway at iba pang center island at median strips sa pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Gayunman, verbal o usapan at pangako lamang na babayaran kapag natapos ang mga proyekto ang binigay ng DPWH at walang pormal na kontrata kaugnay dito.

Facebook Comments