Hindi pa makapagdesisyon ang COMELEC kung itutuloy nila ang plebisito sa iba pang bahagi ng Mindanao sa Feb. 6
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, naghihintay pa sila ng rekomendasyon mula sa kanilang field personnel sa Mindanao.
Sa kabila nito, nilinaw naman ni Jimenez na normal pa rin ang ginagawa nilang paghahanda para sa nasabing plebisito.
Wala rin aniyang nagaganap na mga pag-uusap hinggil sa posibleng kanselasyon ng plebisito.
Hindi rin aniya makaka-apekto sa resulta ng plebisito para sa Bangsamoro Autonomous Region ang mga nangyayaring pagsabog sa Mindanao.
Facebook Comments