Nangangamba ang United Broiler Raisers Assocation (UBRA) sa desisyon ng Department of Agriculture (DA) na ituloy ang pag-angkat ng mga manok sa ibang bansa.
Ayon kay UBRA President Atty. Elias Jose Inciong, bagsak na ang presyo ng manok dahil sa maraming suplay pero napakababa pa rin ng demand.
Nababahala rin sila sa maluwag na sistemang quarantine sa bansa lalo’t nakakita kamakailan ng traces ng coronavirus sa frozen chicken wings mula Brazil.
Nanawagan naman ang UBRA na pag-aralan mabuti ang desisyon dahil maraming negosyante ang posibleng maapektuhan nito.
Facebook Comments