11 katao, patay matapos ang mass jailbreak sa Papua New Guinea

Patay ang aabot sa labing-isang katao matapos ang naganap na mass jailbreak sa Port Moresby, Papua New Guinea.

Ayon sa mga otoridad, 47 preso ang kasama sa mass jailbreak kung saan 36 pa ang pinaghahanap.

Ito na ang pang-apat na mass prison break sa Papua New Guinea ngayong taon kung saan 16 ang nakatakas nitong Enero habang 17 ang nasawi noong 2017.


Facebook Comments