Desisyon ng DILG na bawalan ang kanilang mga empleyado na sumali sa komunistang grupo, suportado ng NTF-ELCAC Cluster

Sinusuportahan ni Undersecretary Reynaldo Mapagu, pinuno ng E-CLIP and Amnesty Program (EAP) Cluster ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang pagbabawal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga empleyado nito umanib sa mga grupo na kaalyado ng mga teroristang komunista.

Ang pagbabawal ay batay sa direktiba ni DILG Assistant Secretary for Public Safety and Security Alexander Macari.

Sinabi ni Mapagu, layunin ng kautusan na matiyak na hindi magagamit ng mga teroristang komunista ang mga tauhan ng pamahalaan para pabagsakin ang gobyerno.


Aniya pa, hindi dapat itong ikunsidera bilang pagsikil sa karapatan ng mga empleyado ng pamahalaan dahil bilang mga civil servants, tungkulin nila ang maging tapat sa Republika ng Pilipinas at sa sambayanan.

Tiniyak naman ni Mapagu na ang karapatan ng bawat indibidwal na nakabatay sa Konstitusyon ay gagalangin ng gobyerno anuman ang kanilang “political affiliation”.

Facebook Comments