Muntinlupa City government, nag-anunsyo na rin ng pagbabawal ng mga aktibidad ngayong Semana Santa

Nag-anunsyo na rin si Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ng suspensyon ng mga aktibidad sa Mahal na Araw.

Sa harap ito ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Kabilang sa mga ipinagbabawal na aktibidad sa Semana Santa sa Muntinlupa ang pagbabasbas ng palaspas, Pabasa, paghuhugas ng paa sa Huwebes Santo, Visita Iglesia, Stations of the Cross, Alay Lakad, Penitensya, Prusisyon at Salubong.


Samantala, pinahihintulutan naman ang pagdaraos ng mga misa sa limitadong capacity lamang o 30% na kapasidad ng mga simbahan.

Facebook Comments