Manila, Philippines – Naghain ang isang dating kongresista ng motion for entry of finality of judgement sa naging pasya ng Korte Suprema na maisama sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga lokal na pamahalaan ang koleksyon ng Bureau of Customs (BOC).
Sa dalawang pahinang mosyon, iginiit ng petitioner na si Batangas Governor Herminihildo Mandanas na hindi na nagsumite ng anumang mosyon o pagtutol ang pamahalaan sa July 2018 decision ng korte.
Nagpaso na rin anya ang August 10, 2018 na palugit na nakasaad sa desisyon ng Korte Suprema para sa anumang apela laban sa desisyon kaya dapat anyang maipasok na bilang pinal na desisyon ang July 2018 decision ng SC.
Magugunitang naghain ng mosyon si Mandanas noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino para maisama sa budget ng IRA ang buwis na nakolekta ng customs.
Sa pagtaya ni Mandanas, mahigit sa 200 billion pesos ang maidadagdag sa IRA na magagamit sa local infrastructure projects ngayong taon habang mahigit 300 billion naman sa 2019 kapag ganap nang batas ang desisyon ng korte.