PROMOTED | Hidilyn Diaz tumaas ang ranggo

Pasay City – Promoted sa ranggong sergeant si Airwowan first class Hidilyn Diaz.

Mismong iginawad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at Philippine Air Force Chief Lieutenant General Galileo Kantanar Jr ang promosyon ni Diaz sa Multi-Purpose Gymnasium ng Philippine Air Force sa Pasay City.

Sa naging talumpati ni Secretary Lorenza sa isinagawang programa bilang presiding officer sinabi nitong isang malaking karangalan hindi lang sa Deparment of National Defense (DND) kundi sa buong Pilipinas ang pagkapanalo ng gold medal ni Diaz.


Bibihira aniya na magwagi ng gold medal ang Pilipinas sa Asian games.

Sinabi pa nya na magsilbi sanang huwaran si Hidilyn sa mga kapwa nito sundalo.

Una rito binigyan ng heroes welcome si Hidilyn dito sa Philippine Air Force headquarters kung saan ay pinalakpakan pa ito ng kanyang mga kabaro.

Nagpasalamat naman si Hidilyn Diaz sa heroes welcome na ibinigay sa kanya ng Philippine Air Force.

Sa kanyang speech hiling nya ay patuloy syang ipagdasal upang muling makakuha ng gold medal at makapagbigay ng karangalan sa bansa sa larangan ng sports.

Si Hidilyn ay nagwagi ng gold medal sa 2018 Asian Games weightlifting competition na ginanap sa Jakarta Indonesia.

Facebook Comments