MANILA – Hindi na ikinagulat ng isa sa mga petisyoner ng disqualification case laban kay Senadora Grace Poe ang naging desisyon ng Korte Suprema na pagbasura sa kaso nito.Sa tatlong-pahinang ruling, ibinasura ang mga apela sa March 8 ruling sa botong 9-6 sa kanilang en banc session.Kabilang sa mga pumabor kay Senator Poe sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Justice Presbiterio Velasco, Justice Diosdao Peralta, Justice Lucas Bersamin, Justice Jose Perez, Justice Jose Mendoza, Justice Marvic Leonen, Justice Francis Jardeleza at Justice Alfredo Benjamin Caguioa.Samantala, kabilang naman sa mga tumutol sina Justice Antonio Carpio, Justice Teresita Leonardo-De Castro, Justice Mariano Del Castillo, Justice Estela Perlas-Bernabe, Justice Bienvenido Reyes at Justice Arturo Brion.Sa interview ng RMN kay DLSU Political ScienceProf.Antonio Contreras, sinabi niyang wala na silang magagawa kundi tanggapin ang desisyon ng SC.Kasabay nito, nanawagan na lang sila sa mga botante na pag-isipang mabuti kung iboboto ang senadora.Samantala, nagbanta si Contreras na magiging magulo ang Pilipinas kapag nanalo si Poe at hindi ito tama dahil maraming isyung dapat kaharapin ang magiging susunod na pangulo ng bansa.
Desisyon Ng Korte Suprema Na Pagbasura Sa Disqualification Case Ni Senadora Grace Poe, Hindi Na Ikinagulat Ng Mga Petisy
Facebook Comments