Manila, Philippines – Hindi pa pinal ang desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ni Senador Leila de Lima na kumukwestiyon sa findings of probable cause ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 sa ipinalabas nitong arrest warrant laban sa senadora.
Ayon kay Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te, naging mabusisi ang mga mahistrado ng Korte Suprema sa pagboto sa kaso.
Aniya, labing isang separate opinion ang umikot sa mga miyembro ng En Banc bago napagdesisyunan ang petisyon.
Siyam na mga mahistrado ang bumoto pabor sa pagbasura ng petisyon habang anim ang kumontra.
Facebook Comments