Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Harold Bañez, sinabi nito na bagamat tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang paghikayat sa mga unvaccinated individuals ay nakadepende pa sa kanilang desisyon kung sila ay magpapabakuna o magpapa booster shot.
Ang mahalaga aniya ay nagagampanan ng kanilang tanggapan ang kanilang mandato na magbakuna at impormahan ang mga tao sa kahalagahan ng pagkakaroon ng COVID vaccine.
Kaugnay nito ay kasalukuyan ang kanilang pag-iikot sa labing anim na mga barangay na kanilang nasasakupan para bakunahan ang mga hindi pa bakunado.
Bahagi pa rin aniya ito sa mandato ni President Bong Bong Marcos na dapat lahat ng mga kailangang mabakunahan ay mabigyan ng covid vaccine.
Paliwanag ni Dr. Bañez, layon ng kanilang Barangay Vaccination program na mas mailapit pa sa taong bayan ang serbisyo ng pamahalaan para mabigyan lahat ng proteksyon sa sarili laban sa Covid-19.
Matatapos naman ang barangay Vaccination sa lungsod sa August 26.
Samantala, ipinababatid din ng CHO 3 na wala pa silang dental service dahil bukod sa bagong tayo ay inaayos pa lamang ang mga gagamiting equipment.
Sa mga gusto nang magpabunot ng ngipin ay inaabisuhan na magtungo lamang sa tanggapan ng Cauayan City Health Office 2 at 1 na nakabase sa Brgy. Cabaruan.