Kinuwestiyon ng isang abogado ang desisyon ng Office of the Ombudsman na huwag ilabas ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Atty. Dino de Leon na hinihiling nila ang SALN ni Pangulong Duterte para malaman ang kaniyang net worth sa gitna ng mga isyu ngayon ng anomalya sa iba’t ibang ahenisya.
Ayon kay De Leon, nakakapagtaka kasi na tila hindi nagiging transparent ang Ombudsman sa paglalabas ng SALN ng mga opisyal ng gobyerno.
Si De Leon ay isa sa mga abogado na kumatawan sa nakakulong na si Senator Leila de Lima sa paghahain ng request sa ombudsman na ilabas ang SALN ni Pangulong Duterte.
Facebook Comments