Iginiit ng Malacañang na si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang may pinal na desisyon kung papayagan ang face-to-face classes sa susunod sa taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t naghahanda ang Department of Education (DepEd) sa posibilidad na ibalik ang physical classes ay kailangan pa ring alamin ang Coronavirus situation sa bansa bago maglabas ng desisyon kung maaari nang makabalik ng eskwelahan ang mga estudyante.
Binanggit din aniya ng Department of Health (DOH) na maaaring ibaba sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa first quarter ng susunod na taon.
Nabatid na isinusulong ngayon ang alternatibong distance/blended learning bilang pamalit sa traditional in-person classes sa lahat ng community quarantine levels.