Desisyon ni Duterte na sibakin si Sueno bilang DILG head, nirerespeto ng dalawang gobernador ng Negros Island Region

Bacolod, Philippines – Kapwa nirerespeto nina Negros Occidental Governor Alfredo Maranon Jr. at Oriental Negros Governor Ruel Degamo ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Mike Sueno bilang DILG secretary.

Nananalig ang dalawang gobernador ng Negros na patuloy na susuportahan ng opisyal na papalit kay Sueno sa DILG ang Negros Island Region – NIR.

Kaugnay nito, sinabi ni DILG Undersecretary JV Hinlo na wala kay Sueno ang future ng NIR kundi nasa kamay ni Presidente Duterte.


Ipinangako ni Hinlo na habang nasa DILG ito, patuloy niyang ila-lobby ang retention ng Negros Island Region at sa katunayan, ayon kay Hinlo naiparating na niya sa Pangulo ang issue at pinag-aaralan na ito ngayon ni Duterte.
Nation

Facebook Comments