Naniniwala ang isang political analyst na hindi nagkaroon ng plan b ang partido nina Senator Bong Go matapos ang desisyon ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na tumakbo bilang vice president.
Kasunod ito ng pahayag ng senador na pinag-iisipan na rin niya ngayon ang pag-urong sa kandidatura bilang pangulo.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Atty. Michael Yusingco ng Ateneo School of Government na posibleng ang tandem nina Duterte-Carpio at Go sana ang unang plano ng partido na hindi naman natuloy matapos tumakbo bilang VP ni Bongbong Marcos ang alkalde.
Ipinaliwanag ni Yusingco na maaaring hindi inakala ng kampo ng senador na bababa sa pagka-vice president si Mayor Sara lalo na’t nangunguna naman ito sa ilang mga presidential survey.
Samantala, iginiit naman ni Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban Secretary General Atty. Melvin Matibag na kumpiyansa silang hindi itutuloy ni Go ang pag-urong sa presidential race.