Manila, Philippines – Buo ang pagrespeto ng PDP-Laban sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang term-sharing sa house speakership kung saan unang uupo si Congressman Alan Peter Cayetano kasunod ang kanilang kapartido na si Congressman Lord Allan Velasco.
Sa inilabas na statement ay binigyang diin ng PDP-Laban na ito pa rin ang majority party sa Kamara.
Tinitiyak ng PDP-Laban na isusulong nito ang legislative agenda ng administrasyong Duterte.
Nakatakdang magpulong ang mga lider ng PDP-Laban upang talakayin ang pinakabagong mga pangyayari kaugnay sa house speakership.
Sabi naman ni PDP-Laban President Senator Koko Pimentel, maganda ang naging proposal ni Pangulong Duterte at malaking tulong ito para maresolba ang isyu sa house speakership race lalo at nalalapit na ang pagbuhukas ng 18th Congress sa July 22.
Dagdag pa ni Pimentel, ang term sharing para sa mga mamumuno sa Kamara ay nauna na nilang isinulong at mainam ngayon na may ginawa na ring hakbang ang Pangulo.